Dahil malapit na ang Valentine’s Day, tiyak na mauuso na naman ang pagbibigay ng chocolate bilang regalo. Pero, alam n’yo ba na ang isang chocolate ay mayroong sangkap na walong paa ng insekto? Ang isang pangkaraniwang tao ay nakakakain ng walong gagamba sa gabi habang natutulog sa buong buhay niya. Ang ipis ay kayang mabuhay ng walang pagkain sa loob ng siyam na araw. Pero sa ika-sampung araw nito ay tiyak na mamatay na siya sa gutom. Ipinagbawal ang pagbabasa ng comics ni Donald Duck sa Finland dahil hindi siya nagsusuot ng pantaloon. Ang pamosong si Shakespeare ang nag-imbento ng salitang “assassination†at “bumpâ€. Ang isdang goldfish ay nagiging kulay puti kapag ito ay nasa dilim. Ang salitang “Typewriter†ang pinakamahabang salita na maisusulat sa unang bahagdan ng computer keyboard. Ang sikat na actress na si Marilyn Monroe ay may anim na daliri. Kaya ng snail o suso na matulog sa loob ng tatlong taon. Isang dentista ang nakaimbento ng electric chair.