Bakit ba nakakaramdam ng kalungkutan ang isang tao? Maaaring ito ay dahil sa pakikipaghiwalay o pagkamatay ng taong mahal nila. Masyadong nakaka-“stress†ang pakiramdam ng nalulungkot. Minsan sa sobrang lungkot na nararamdaman ay nagkakaroon ito ng epekto sa pisikal at mental na aspeto ng tao. Kung ikaw ay nalulungkot, gawin ang mga sumusunod:
Intindihin ang iyong sarili bakit ka nalulungkot – Unawain ang iyong sarili bakit kailangan mong mag-isa at makaramdam ng lungkot. Isipin mo rin na hindi lang ikaw ang mayroong pinagdaraanang sitwasyon. Minsan kailangan mo lang tanggapin ang ilang mga bagay na dumaraan sa buhay mo para muling bumalik ang ngiti sa iyong labi.
Mag-ehersisyo – Kapag nalulungkot ang tao, hindi na siya nagiging alerto at nawawalan na rin siya ng gana sa physical activities. Kaya naman kung gusto mo pa rin mapag-isa pero alerto pa rin ang iyong pisikal at isip, bakit hindi magpunta sa gym at sa mga bakal ibunton ang lahat ng sama ng loob.
Makisalamuha sa mga dating kaibigan – Dahil sa dami ng inyong mga pinagsamahan mula pa noon, tiyak na kapag nakipagkita ka muli sa kanila ay marami kayong mapag-uusapan. At sa pakikipag-usap mo sa kanila, tiyak na malilibang ka at makakalimutan mo ang iyong dinadalang problema.
Tumanggap ng mga imbitasyon – Kalimutan mo na ang mga okasyong magkasama kayo. Dapat ka na muling masanay na mag-isang dumadalo sa mga okasyong ikaw ay imbitado. Tutal, ipinanganak at lumaki ka naman na nag-iisa kaya hindi mo kailangan ng kasama sa mga “events†na iyong pupuntahan.