NAKILALA agad ni Generoso ang matandang lalaking nagisnan na lang niyang kasama sa selda. “Kayo ang…puluÂbing—â€
“—Ang puluÂbing binaril mo mula sa bubong. Pinatay mo ako,†sabi nito, ipinakita ang butas na noo. “Sharp-shooter ka, Generoso.â€
“B-Bakit alam ninyo ang ngalan ko, Tatang?â€
Makahulugan ang ngiti ng matanda. “Hulaan mo.â€
“Patay na kayo. Bakit pa kayo nabuhay?â€
Muling ngumiti ang kausap ni GeneÂroso. “Hulaan mo uli.â€
“Nagmumulto ka, Tatang. Ako lang ang nakakakita sa iyo.â€
“Tama. Ano pa?â€
“Ikaw sa mga pinatay ko ang hindi nagpasaÂlamat sa akin. Ikaw din ang wala sa mga multong nagpakita sa akin…â€
“Na ibig sabihin ay ano, Generoso?â€
“Isa kang makasalanan na sa impiyerno napunta!â€
Humalakhak nang malakas ang matandang lalaking nanlilimahid. “Ha-ha-ha-haaa! Mali! Maling-mali ang hula mo!â€
Kinabahan na si Generoso. May ideya na siya kung sino ang pulubi. Pero ayaw niyang isipin man lang ang ngalan nito.
Takot si Generoso sa presencia ng matandang lalaki.
“Tell me kung sino ako, Generoso. Sabihin mo man o hindi kung sino ako, hindi na mababago ang nakatakda.
“Oh my God…n-ngayon na ba?†Namutla na si Generoso.
“Oo, ngayon na. Mababagok ang ulo mo.â€
“H-ha?†Biglang nadulas si Generoso, tumama ang ulo sa semento.
Masama ang lagay, masagana ang tagas ng dugo sa basag na ulo. Hindi ito inaasahan ni GeÂneroso. “I-Ikaw nga ba…si Kamatayan?â€
“Ako nga at wala nang iba.â€
“Pero naiintindihan mo ang ginagawa kong pagpatay, di ba? Tinatapos ko ang paghihirap ng mga wala nang pag-asa…â€
“Kanya-kanya tayo ng papel, Generoso.â€
“Ayoko pang mamatay. Please…â€
SA KABILANG buhay na nagkamalay si Generoso. “Hayun ang pinto ng Langit!â€
Kung si Generoso ay papapasukin sa Paraiso, ang Diyos lamang ang nakakaalam. WAKAS. (Up Next: From Malaysia with Love)