Natatakot na kunin ang anak

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Jessielyn, 29, years old, single mother at isang tindera sa palengke. 3-years old na ang anak kong lalaki. Isang taon na ngayon mula ng iwan ako ng aking live-in partner para magtrabaho sa Saudi. Pero nabalitaan ko na lang na mayroon na siyang ibang babaeng pinadadalhan ng kanyang suweldo. Napakasakit ng ginawa niya dahil pinaasa niya ako. Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Gusto ko nang makalaya sa kanya dahil na-realize ko na wala nang mangyayari kahit maghabol ako sa kanya. Mayroong nanliligaw sa akin ngayon at sinagot ko na siya. Nangako siyang pakakasalan ako at kikilalanin niyang tunay na anak ang anak ko. Natatakot kasi ako na baka kapag nag-asawa ako ay kunin niya ang aking anak. Ano po ang dapat kong gawin?

Dear Jessielyn,

Hindi ka naman kasal sa kanya kaya wala siyang karapatang maghabol. Sa ilalim ng Family Code, ang anak ng nagsama ng hindi kasal ay babae ang may karapatan. Kung talagang pakakasalan ka ng bago mong bf at ituturing niyang parang kanya ang anak mo, ituloy n’yo ang plano niyong magpakasal. Tiyakin mo na tapat siya sa kanyang hangarin sa inyong mag-ina. Karapatan mong lumigaya muli, pero kasabay nito ay dapat mo ring isaalang-alang ang kapakanan ng iyong anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments