Karaniwang kasama sa mga bagay na kadalasan minamadali sa pang-araw-araw ng hindi iilang Pilipino ay ang pagkain. May sinasabi ang mga health care expert na maaaring maranasan kaugnay sa paÂnay na pagmamadali sa pagkain, ito ang pakiramdam na bunsol o bloat sa English. Kabilang din anila sa maaaring mapansin ay ang kakaibang pag-alsa ng sikmura na kung minsan ay may iindahing pananakit sa nasabing bahagi ng katawan. Ipinaliwanag na ang nangyayari kung kaya nabubunsol ang taong nagmamadali sa pagkain ay dahil sa sobrang gas na nai-inhale dulot ng mabilis na pagkain o maaaring sa pag-inom ng mabilis gamit ang straw o maging ang pagkonsumo ng sobrang carbonated drinks. Pinakamainam gawin kaugnay ng kondisyong ito ay sanayin ang sarili na ngumuya ng normal nang nakasara ang bibig at kapag naka-straw uminom nang mahinahon. Iwasan ang pagmamadali. Sinabi rin ng mga expert na bukod sa pagmamadali sa pagkain o pag-inom, kabilang din sa mga dahilan ng pagkabunsol ay ang water retention. (Itutuloy)