‘Sinner or saint? (17)’
SINAGAD ni Generoso ang pagpapaligaya kay Corazon habang nasa ibang bansa. Bukod sa California ay nagtuloy na rin sila sa Kuala Lumpur.
Sa mga araw na iyon ay dumadalas na ang atake ng kanser kay Corazon. Dinadala naman agad siya ni Generoso sa mamahaling pagamutan.
Kaso ay hindi na kayang pagalingin ang sakit ni Corazon.
Gayunma’y tanggap na nga ni Corazon ang kapalaran. Lalasapin niya hanggang sa huling hininga ang kagandahan ng buhay.
“Hayun ang Petronas Twin Towers ng Kuala Lumpur!†masiglang turo ni Corazon sa pamosong napakataas na kambal na gusali. “Kunan mo ako ng picture na iyon ang background, Generous!â€
Sunud-sunuran si Generoso sa gusto ng babaing may taning ang buhay. “Anything you say, Heart!†PAGDATING na pagdating sa airport sa Manila saka hindi na nakayanan ng katawan ni Corazon ang karamdaman.
Sa ospital na siya idiniretso ni Generoso.
Nang matauhan si Corazon ay tumutol agad ito. Hindi napayapa ng magulang at ni Generoso.
“Please, sundin n’yo ang hiling ko. Ayokong dito gugulin ang remaining days ko…†luhaang pakiusap ni Corazon.
Ang hiling ni Corazon ang nasunod, iniuwi ito ni Generoso sa bahay ng magulang nito; hindi sa malaking bahay nilang mag-asawa.
Pinigil ni Generoso ang sama ng loob. Hindi pala natutunan ng puso ng asawa na ang bahay nila ang ituring na tahanan.
A house is not a home kapag hindi palagay ang puso ng kasambahay, naunawaan ni Generoso. Hindi napipilit ang pag-ibig. Hindi nabibili ng salapi niya. At nakikita niyang nahihirapan na nang husto si Corazon, pinapatay na ng malupit na sakit.
“Hindi ko mapapayagang maghirap ka,†bulong niya sa kabiyak. Umaasa na lang ito sa pain killer.
Ang nanay ay ayaw nang masaksihan ang pagdurusa ng anak. “Payag na akong kunin ka ni Lord, Corazon. Idinadasal kong bawiin na Niya ang buhay mo…â€
Dinig ito ni Generoso. Tumitiyempo para tapusin na ang buhay ng babaing pinakasalan. (ITUTULOY)
- Latest