Hindi maiwasan ng babae at lalaki ang magkainisan sa maraming bagay at tila ito ay walang katapusan. Kung may posibilidad lang na burahin nila kapwa ang isa’t isa sa balat ng lupa, maaaring gawin nila ito dahil sa pagkairita. Narito ang ilang bagay na palaging pinag-aawayan ng babae at lalaki:
Kakulangan sa kalinisan – Aminin man ng mga lalaki o hindi, kulang sila sa kalinisan. Mas nais nilang mabuhay sa nais nilang paraan. Sa kanila, kung maaari ay “disposable†lahat at ang hindi nila paliligo sa araw-araw ay tila utang na loob pa sa kanila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ang mga ugaling ito ang kinasusuklaman ng mga babae.
Dominante - Bukod sa nakakapandiÂring pagiging madumi ng mga lalaki sa kanilang paligid at sarili, hindi rin mapapalampas ng mga babae sa kanilang mapanuring mata ang pagiging dominante ng lahi ni Adan. Naniniwala ang mga lalaki na sila ay tila regalo ng Maykapal sa mga mahihinang mga babae para tulungan ang mga ito sa mga bagay na mahirap para sa kanila. Ang pagiging “superior†ng mga lalaki ang siyang isinusumpa naman ng mga babae.
Ego – Kung mayroong makukuhang perpektong partner ang mga lalaki, ito ay ang kanilang ego. Ang pakikipaghiwalay ng lalaki sa kanyang ego ay tila isang pagpapakamatay para sa kanila. Sa totoo lang, ang nakikitang katigasan sa mga lalaki ay isang palamuti lamang nila para maitago ang anumang insecurity na mayroon sila.