Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba noong unang panahon, nanini­wa­la ang mga Greeks na ang puso ang siyang trono ng espiritu? Iniuugnay naman ng mga Chi­nese ang puso na siyang sentro ng kasiyahan ng tao habang sa mga Egyptians, ang ka­ta­linuhan at emosyon ay sumisibol naman mula din sa puso. Ang Ancient Greek din ang ori­­hinal na lahi na nag-ugnay sa puso para sa pag-ibig. Ang “City of Cyrene” na ngayon ay ang bansang Libya ay kilala dahil sa kanilang pam­bihirang halaman na “Silphium”. Hugis puso ang halamang ito at ginagamit na herbal medicine bilang “contraceptive”. Ang isang ba­so ng red wine ay may mabuting naidudulot sa puso. Ayon sa mga siyentipiko, ang balat ng ubas ay nagtataglay ng antioxidants. Subalit ang white wine ay wala naman umanong gaanong ma­buting naidudulot sa puso. Pero, anuman ang iyong inumin, red o white wine man. Just follow your heart!

Show comments