^

Para Malibang

‘Sinner or saint (7)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“DALIAN mo, binata,” bulong-utos ng ma­tandang babae, nakapikit, takot sa injection ni Generoso.

“Heto na po, na­nang.” Itinurok na ni Generoso ang heringgilya, mabilis pero sakto.

“Wala akong kinalaman sa pagpatay mo sa akin, binata. Pinatay mo ako, hindi ako nagpa­kamatay…”

“Opo, opo.” Nahugot na ni Generoso ang maliit na karayom, pasimple pa rin ang ginawang krimen, tiniyak na walang nakapansin.

Naibulsa niya agad ang heringgilya, tinungo na ang pinto bago pa nagbalik ang nurse.

Inorasan niya ang ma­tanda, nakamasid mu­la sa labas ng ward.

Nakapikit ang na­nang, habol na ang hininga.

Kinabahan si Generoso. Baka magsisigaw ang matanda, baka magsumbong bago mamatay.

Itinapon agad ni Generoso sa trash can ang hering­gilya. Nagpalipas siya ng limang minuto saka nagbalik sa ward ng matandang babae.

Nakita niyang pilit nire-revive ng nurse ang pasyente. Lumapit siya.

 â€œNanang, huwag muna ho! Sa ibang shift na lang ho kung maaari!”

Napailing si Generoso, narinig ang sabi ng nurse. Gusto niyang murahin ito sa pagiging insensitive; mas nais na protektahan ang sariling kapakanan kaysa sa pasyente.

“Ano’ng nagyayari, nurse?” tanong ni Generoso.

“Naghihingalo si Lola, ser! Biglang-bigla ho!”

“Bakit nagkagano’n? Iniwan ko lang siya sandali!”

 â€œSer, may taning na si Lola…n-ngayon na pala!”

Kahit dumating ang duktor ay hindi na na-revive ang matanda. Inakalang kinuha na talaga ng langit ang pasyente.

Lihim na nakahinga nang maluwag si Gene­roso. Napilit niyang lumuha ang sarili.

 â€œSer, nagpapahinga na ho si Lola. Mabuti na ho iyon kaysa naghihirap siya,”  sabi ng nurse, nakikiramay.

 â€œBakit sabi mo kanina, sana’y sa ibang shift na mamatay si Nanang?” Nanita si Generoso.

 â€œSer, bago lang ho ako dito pero tatlo na ang namatay sa shift ko. Baka ho tawagin na akong Nars Kamatayan.”  (ITUTULOY)

ANO

BAKIT

BIGLANG

GENEROSO

LOLA

NANANG

NARS KAMATAYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with