Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Oblak, 26 at may gf. Three months na kami. Bago siya ay naka-10 gf na rin ako pero mabilis ko silang bini-break. Ewan ko ba kung bakit madali akong magsawa. Kaunting diperensiya lang na makita ko ay tinatabangan na agad ako. Pero sa gf ko ngayon ay parang iba ang nadarama ko. Kung tutuusin marami akong maipipintas sa kanya. Hindi siya sweet, mataray at minsan gusto niya siya ang masusunod. Ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, hindi ko makuhang mainis o magalit sa kanya. Sabi ng mga kaibigan ko ay parang pinaglalaruan lang ako ng gf ko. Pinapayuhan nila ako na hiwalayan na siya. Sa kabila ng lahat ay mahal na mahal ko siya. Mahal kaya niya ako o pinaglalaruan lang?
Dear Oblak,
Love is blind and lovers cannot see. Baka ganyan ang nangyayari sa iyo. Dahil sa tindi ng pag-ibig mo ay hindi mo na nakikita ang depekto ng syota mo. Mag-isip-isip ka rin. Ang lalaki ay hindi dapat maging sunud-sunuran sa babae. Ang lalaki ang ulo ng relasyon at pamilya. Baka natsa-challenge ka lang dahil iba siya sa mga naging nobya mo. Pakasuriin mo ang inyong sitwasyon bago mo sabihing siya na nga ang babaeng para sa’yo.
Sumasaiyo,
Vanezza