Karamihan sa mga kababaihan ay nais makaranas na makapaglakad ng naka-gown sa pasilyo ng simbahan at maisuot ang pinakamagandang trahe-de-boda kasama ang paboritong kulay mo. May iba’t-ibang kahulugan ang kulay ng gown at maaaring ang kulay na napili mo ay indikasyon ng iyong personalidad. Narito ang ilang kulay ng gown at ang ibig sabihin nito:
Purple gown - Ang bride na nagnanais na makapagsuot ng kulay lila na trahe-de-boda ay maituturing na “out-going†o mahilig sa masayang aktibidad, walang takot gawin ang nais niya at masayahin. Siya din ay malambing.
Blue gown – Kapag ang bride ay mahilig sa blue gown, siya ay pasensiyoso, mautak, balanse sa buhay at tinitiyak na ang lahat sa kanyang buhay ay nasa tamang pinagkakalagyan nito. Kung ang gusto niya ay royal/pale blue siya ay “introspective†o sobrang tahimik, pero kung turquoise/aqua siya ay “extrovert†o taong mahilig makihalubilo.
Green – Ang babaeng mahilig sa green gown ay matalino, maalalahanin at mapagmahal. Siya din ay may matibay na prinsipyo sa buhay.
Yellow – Indikasyon ito na ang babae ay may mataas na spirituwalidad at pagkilala sa tama at mali. Ang yellow bride ay masayahin din, malamÂbing at may disposisyon sa buhay. Mahilig din siya sa outdoor activities at walang kiyeme sa anumang bagay. Maituturing siyang “cowgirlâ€.
Orange – Ang orange bride naman ay palakaibigan at magaling magpatawa. Palaging mataas ang energy at nakasunod sa uso.
Red – Gaya ng sinisimbolo ng pula, ang babaeng mahilig sa red gown ay matapang, mapagmahal, loyal at maituturing na “natural leaderâ€.