ALAM N’YO BA?

Alam nyo ba na Enero 19 ang idineklarang Na­tional Popcorn Day?  Ang mais ay unang tumubo 7,000 taon na ang nakakaraan sa isang mataas na lugar sa Central Mexico. Ang popcorn  ang isa sa mga unang  menu ng mais. Noong 1946, nadiskubre ni Dr. Percy Spencer ng Ray­theon Corporation ang nag-eksperimento  ng magnetron, ito ay isang uri ng vacuum tube, napansin niyang biglang natunaw ang isang candy bar sa kanyang bulsa. Nagkaroon siya ng ideya na ilagay ang isang ballot ng mais malapit sa magnetron  at ito ay naging popcorn.  Ito din ang naging daan para maimbento naman ang microwave na siyang pinaglulutuan ng popcorn.  Sa Southern Utah, isang 1,000 yr. old na popcorn na nakalagay pa sa buto nito ang natagpuan.

Show comments