Nag-asawa na sa US ang bf

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong LV, 33, single. Marami na akong failed relationships pero dito sa huli ako talagang nasaktan ng husto. Ipinetisyon siya ng kanyang family na nasa Amerika. Nangako siyang kukunin niya ako kapag naging US citizen na siya. Sad to say, napako ang kanyang pangako. Nawalan na rin kami ng communications. Sinisikap kong makontak siya sa pamamagitan ng e-mail pero wala akong tinanggap na sagot. Pati account niya sa Face Book ay inactive na rin. Nalaman ko na lang sa isang pinsan niya na nag-asawa na pala siya. Masyado akong nasaktan. Until now I still remember him and I’m trying to forget him. Do you think I can love and trust again?

Dear LV,

Hindi dapat tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil lang sa mga kabiguan. Life must go on. Lahat ng tao ay nakakaranas ng kasawian. Bahagi na ng pag-ibig ang masaktan. I’m sure matatagpuan mo rin ang lalaking magmamahal sa iyo ng tapat.  Pag-aralan mo ng kalimutan ang dati mong bf. Kung nilimot ka man niya, ipagpasalamat mo na lang dahil nakilala mo ang tunay niyang pagkatao.

Show comments