SABADO, waÂlang pasok sa elementary school. Pero nais tuklasin ni William ang surpresa ng bahaghari, kaya pumasok sa nakaawang na gate ng paaralan kasama ang mabait na biyudang si Donna.
“Nasa likod ng building ang playground ng mga bata, Donna. Tantiya ko talaga, doon nakatapat ang dulo ng rainbow.â€
“Sunud-sunuran ako sa gusto mo, William. Kaibigan mo na ako uli.â€
“Uli, Donna?â€
“Oo. Kalilimutan ko na totally ang atraso mo sa akin.â€
Ang pangahas na halik ni William sa mga labi ang ibig sabihin ng biyuda. “Hindi ko nga sinadya iyon, Donna. But anyway, salamat na rin at napatawad mo na.â€
Ginaygay nila ang mahabang porch ng paaralan. Patungo iyon sa gawing likuran—sa palaruan ng mga mag-aaral.
Napahinto si William, lumarawan sa mukha ang agam-agam.
“Bakit?†tanong ni Donna.
“Kinakabahan ako. Paano kung m-may makita tayo…?â€
“William, paano kung wala…?â€
“Hindi maaring iligaw ako ng aking instinct. Dito talaga ang tantiya kong kinaroroonan ng dulo ng rainbow.â€
Nagkibit-balikat ang biyudang maganda. “Whatever, William.†Maingat at dahan-dahan ang mga hakbang ni William palapit sa kinaroroonan ng playground; ginaya siya ni Donna, hindi umuna ang biyudang may pagtatangi kay William.
Para silang detectives na manghuhuli ng salarin, handa ang lahat ng senses o pandamdam—laluna ang mata, ilong at tenga.
“Naririnig mo ba ang naririnig ko?â€
“The usual, William-- busina ng sasakyan, ingay sa paligid…â€
“Donna, may nadidinig akong mga batang nagtatawanan, masasaya…nagmumula sa playground sa likuran!â€
“W-wala akong naririnig na gano’n.â€
“Dali! Sa playground!†Patakbo nang binagtas nina William ang pasilyong paliko. Sa loob ng ilang saglit, mararating nila ang playground.
Narating na nga ng dalawa. Kapwa sila natigilan habang nakatunghay sa malaking palaruan.
“Donna…oh my God…†Yanig na yanig si William.
“William…?†Taka sa biyudo si Donna. (ABANGAN.)