Kitchen herbs laban sa sore throat

Ngayon mahalumigmig ang klima ng panahon, nauuso ang mga sakit na may kaugnayan dito kung saan kabilang ang sore throat. Pero bago pa kayo mabahala, i-check muna ang inyong kitchen dahil may mga herbs na maaaring naka-stock lang dito at magagamit ninyo laban sa sore throat.

Kadalasan ang mga may mahinang immune system ang prone sa pagkakaroon ng sore throat sa anumang pagkakataon.  Ilang sa mga bagay na nasa kitchen at maaa­ring gamitin para mapakalma ang sore throat ay ang asin, ayon kay Dr. LaJoyce Brookshire, Natuopath ng Pocono Mountains pinakamainam ang sea salt.  Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang asin sa maligamgam na tubig at saka ipangmumog. Isa pang pwedeng ipangmumog ay ang peroxide. Sinasabing ideyal ito para sa mga bata.  Kabilang din sa mga herbs na maaaring ikonsidera ay ang bawang, luya at puting sibuyas na pawang mga natural na mapagkukunan ng anti-biotic properties na mainam sa pagkakaroon ng namamagang lalamunan.

Pero hindi sa lahat ay magiging madali ang pagkonsumo ng herbs, karaniwang maanghang kasi ang mga nabanggit. Isa sa naging solusyon dito ni Dr. Brookshire ay ang paghahalo ng apple cider vinegar na sinasabing magpapatagal sa mixture, tinawag niya itong Anti-Plaque Formula.  Bukod sa mga paggamit ng herbs, mahalaga rin ang pangangalaga sa immune system. Tinukoy na ang lalamunan at tonsil ang tinaguriang first lines of defense kaya importante na matulungan ito.  Kung napapadalas ang pamamagal ng lalamuna, makabubuting umiwas sa mga dairy products, sa mga matatamis o mga produkto na may artificial colors.  Sa obserbasyon ng mga kasong may kaugnayan sa sore throat, lumilitaw na ang mga bata ang karaniwang apektado nito, na kadalasan ay may kasama pang ear infections.  Pero sinasabi na kung mabibigyan ng magandang multivitamin ang isang bata, lalo na ang mayroong super foods gaya ng wheat grass, spirulina, blue-green algae, barley, chorela, chlorophyll na maaaring nasa powder form, chewable o capsule ay malaking tulong para mapatatag ang immune system ng inyong mga anak.

 

Show comments