MAGKASUNOD na huminto sa harap ng elementary school ang kotse nina William at Donna. Pareho nilang natanaw ang eksenang nagpabagbag sa kanilang kalooban.
“Donna, nagtitirik sila ng kandila, nag-aalay ng bouquet of flowers…â€
“Nagdarasal din sila. Hindi lang ikaw ang namatayan ng anak.â€
NapabuntunghiniÂnga ang lalaking nawalan ng dalawang kapamilya.
“Oh God, ito pala ang nakaligtaan kong gawin. Hindi ko naalayan ng maraming dasal si Mildred noong mamatay siya sa aksidente. Ngayong ang anak naming si Tamara ang napatay ng mga terorista, nakaligtaan ko ring magdasal nang personal.
“Inuna ko ang lungkot at pangungulila sa kanila, Donna. Kailangang-kailangan nga pala nila ng dasal…†mahabang sabi ni William.
“Hindi pa naman huli ang lahat,†sabi ng magandang biyuda. “Mag-alay ka ng dasal na mula sa iyo, magpamisa ka rin para sa kaluluwa nina Mildred at Tamara…â€
“Gagawin ko talaga iyon. Pero right now, magtitirik din muna ako ng kandila dito sa labas ng elementary school. Saan pa nga ba nais naming mga magulang alalahanin ang aming mga anak kundi sa paaralan nila…â€
“Bibili ako ng bouquet ngayundin, William. Pang-alay mo kina Mildred at Tamara.â€
Napalunok si William, na-touch sa kabutihan ng biyuda. “Donna…thanks.â€
Mahiyaing ngiti at tango ang tugon ni Donna. Tinungo na nito ang sariling kotse. “Babalik agad ako, William.â€
Nakaalis na ang biyuda nang maalala ni William ang tinutugis niyang bahaghari. The rainbow.
“Tila na ang ulan, kaya wala nang rainbow. But I’m sure dito nga ang dulo noon. Somewhere here.†Nagpalinga-linga si William.
Aware ba ang mga kapwa-magulang sa bahaghari?
“Mawalang galang na po, misis. Tatay po ako ng isa ring biktima. Si Tamara, 7 years old. Baka kaklase ng inyo namang anak…â€
Matamlay ang tugon ng ginang. “Titser ang anak kong namatay. Hinarangan niya sa bala ang mga bata…†(ITUTULOY)