Sa mga babae, okay lang na malaki ang ‘hinaharap.’ Pero kung lalaki ka at mayroon kang boobs, parang hindi yata maganda tingnan. Lumalaki ang dede ng mga lalaki kapag overweight o mataba. Ito ay sa simpleng dahilan na may mga taba na hindi na natatanggal o nawawala sa bahagi ng boobs. Lumalaki rin ang dede dahil ang breast tissue ay overdeveloped na tinatawag na gynaecomastia. Kahit ang mga bagong panganak na sanggol ay may breast tissue na nagsimulang ma-develop nang ito ay anim na linggong fetus pa lamang sa sinapupunan. Bago ang puberty, pareho lang ang breast ng mga batang lalaki at babae at hindi pa naipoporma ang mga glands na nagpro-produce ng gatas. Sa puberty, nagsisimula nang tumaas ang hormone levels.
Sa mga babae, ang main-hormone ay estrogen (ang ‘female hormone’).
Ang estrogen ang dahilan ng paglaki ng boobs ng mga babae. Sa lalaki ang main sexual hormone ay testosterone. Ito ay nanggagaling sa testicles. Tumataas ang testosterone level sa puberty ng 30 times mula sa dating level. Ang mga lalaki ay may kaunting estrogen at sa puberty, tumataas ito ng three times lamang.
Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng bahagyang boobs ang mga lalaking teenager ngunit pagtagal, mas tataas na ang testosterone
level kaya mapipigilan na ang epekto ng estrogen sa breast. Ito ang dahilan kaya hindi gaanong lumalaki ang boobs ng mga lalaki.
(ITUTULOY)