Tanong: Ano po ba ang ibig sabihin ng blood pressure? Paano po ito nalalaman? – Unat ng Parañaque
Sagot: Nagsisilbing sukatan ng puwersa ng pagdaloy ng dugo sa blood vessels at arteries ang blood pressure. May dalawang mahalagang number na related dito. Ang una ay ang systolic at ang pangalawa ay ang diastolic. Ang pressure na nangyayari kapag bumomba ang puso ng dugo papunta sa arteries, ang tinatawag na diastolic habang ang systolic naman ang pressure na nabubuo kapag sinalungat ng arteries ang blood flow. Nagbabago ang blood pressure depende kapag ang isang tao ay nakahiga o nakatayo. Maaari rin kapag aktibo sa paggalaw at base sa emosyong pinagdaraanan. Kung numbers ang pag-uusapan, ang 120 over 80 o mababa pa ay batayan ng normal blood pressure, ayon sa mga health care expert. Kung ang reading naman ay 120 hanggang 139 over 80 hanggang 89 naman ang kaugnay sa may pre-hypertension at ang reading na 140 over 90 o mas mataas pa ay ang may high blood pressure. Ang pagiging high blood ay may kaakibat na komplikasyon, nanguÂnguna dito ay ang panganib ng atake sa puso o ang pagka-stroke. Mataas din ang mga naitatalang kaso kaugnay sa kidney at iba pang organ failure. Mahalaga na magkaroon ng regular na blood pressure check up sa inyong pinagkakatiwalaang doctor o nurse kahit dalawang beses kada taon. Dahil kadalasan, ang mga komplikasyon kaugnay sa blood pressure ay hindi nakikita hangga’t wala sa nakakaalarmang kondisyon.