‘Breast pain’ (2)

I-record ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan. I-record kung may nararamdamang masakit o kung walang nararamdaman, ilagay din sa
re­cord kung malapit nang magkaroon o kung may ‘period’ na.

Hindi dapat mag-alala agad kung may breast pain. Hindi dapat mag-isip agad na baka may breast cancer.
Karaniwan ang breast pain dahil maraming nakakaranas nito.

Malayo sa breast cancer ang nararamdamang sakit sa breast lalo na kung may kinala­man ito sa iyong menstrual cycle, ayon sa em­ba­rrassingproblems.com. Karaniwang sumasakit, lumalaki o nagiging sensitive ang breast kapag
‘magkakaroon’ na. Ang tawag dito ay cyclical breast pain.

Parehong masakit ang breast na minsan ay umaabot hanggang sa bahagi ng kili-kili. May pagkakataong, ayaw mong masasagi ang breast dahil
sensetibo ito. Nangyayari ito sa edad 20s hanggang 30s pero kapag nag-menopause na ay mawawala na ito. Ang cyclical breast pain ay hindi sintomas ng breast cancer.

Nangyayari ito dahil  may mga babaeng sensetibo sa pagbabago ng hormones. Ang bawat breast ay may mga glands na nagpro-produce ng gatas. Ito ay
pa­rang mga maliliit na puting ubas. Ang mga parang tangkay ay mga maliliit na  milk ducts na kadugtong ng mas malalaking ducts para ma­karating ang gatas sa nipple. Ang glands ay suportado ng ‘packing tissue’ na mga taba. Bawat bu­wan, ang glands ay nagre-react sa pagbaba
at pagtaas ng  hormones.

Narito ang mga puwedeng gawin ayon sa embarassingproblems.com.

•Magsuot ng malambot na bra.

• Iwasan muna ang mag-exercise kapag nananakit ang breast.

• Siguraduhing tama ang sukat ng bra para hindi masikip masyado ang iyong bra.

•Kung umiinom ng contraceptive pill or hormone replacement therapy

(HRT), subukang itigil muna ito at obserbahan ang pananakit ng breast.

• Subukan ang low-fat diet dahil natuklasang ang mataas na saturated fats sa dugo ay dahilan ng pagiging sensitive ng breast sa  hormone
levels. Iwasan ang matatabang karne, keso, full-fat mil, cream, butter at iba pang pagkaing mataas ang saturated fat.

•Iwasan din muna ng ilang lingo ang kape, softdrinks at obserbahan
kung may pagbabago.

 

Show comments