Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (7)

HORSE

Maghanda-handa ka na dahil sasalubungin ka ng Year of the Snake ng kaliwa’t kanang suwerte! Yes, tama ang narinig mo, uulanin ka ng suwerte. Ang Horse businessmen ay sisikat sa business community dahil ang mga Horse-born ngayon ay may tendency na makagawa ng malaking bagay mula sa ordinaryong bagay o pangyayari. Palalakihin mo ang dating negosyo o magbubukas ka ulit ng panibago.

Sa mga nag-eempleyo, kikilalanin ang iyong kakayahan at tataas ang iyong status sa pinagtatrabahuhan. Makakatanggap ka ng award, promotion o kaya ay maa-assign sa isang high-profile project. Asahan ang isang magandang balita o biglaang pagdating ng malaking halaga ng pera. Gumamit ng maliwanag na bombilya sa South sector ng inyong bahay upang lalong magningning ang inyong magandang kapalaran.

Iwasang maging gastador lalo na ang mga 23 at 47-year-old Horse. Iwasan din maging “malandi” sa pakikitungo sa opposite sex dahil ito ang maaaring pagmulan ng pagpasok ng third party sa mga married Horses.

 

Show comments