‘Breast pain’

Mga bagay-bagay ukol sa breast Natalakay na natin ang mga nakakahiyang problema ukol sa nipples.

Dumako naman tayo ngayon sa ating breast. Narito ang mga bagay-bagay ukol sa ating breast na dapat nating
malaman ayon sa embarassingproblems.com.

Ang breasts ay malaking sweat glands na nagpro-produce ng gatas imbes na pawis.

Kahit ang bagong panganak na baby ay may ilang breast tissue na nagsimulang ma-develop nang ito ay anim na linggong fetus pa lamang.

Ang mga bagong panganak na sanggol ay kakikitaan na ng breast. Normal lang ito dahil ang estgrogen hormone ng nanay ang nag-stimulate ng breast tissue ng baby. Iimpis din ito makalipas ang ilang linggo.

Ang unang bra ay naimbento ng sosyalerang New Yorker na si Mary Jacobs noong 1913. Gumamit siya ng dalawang panyo at kaunting ribbon
para gumawa ng bra.

Noong 1970’s, ang mga lalaking nagtratrabaho sa factory na gumagawa ng contraceptive pill, ay may lumalaking breast at natuklasan nilang
dahil ito sa estrogen.

Marami na ang nagpapaopera ng breast ngayon para lumaki. Sa UK,  May 5646 ang nagpaopera ng breast noong  2005 kumpara sa 3731 noong 2004.

Mas madami pa ang nagpapalaking breast kaysa sa nag-papaopera ng ilong.
Nananakit na breast.

Halos lahat ng mga babae ay nakakaranas ng pananakit ng breast.
Nagiging sensitive ang breast, at masakit ito minsan. Ang iba ay nag-aalala na baka may breast cancer na o kung anong sakit sa breast.
Kung may nararamdaman sa inyong breast, obserbahan ito kung may
kinalaman ito sa inyong menstrual cycle. Kung masakit ito kapag may
‘period? Masakit ba ang dalawang breast o isa lang?

 

Show comments