Makati at nagtutuklap na nipples.
Napag-usapan na natin ang iba’t ibang problema sa nipples.
Talakayin naman natin ngayon ang tungkol sa nangangati, nagkakaliskis at nagtutuklap na nipples.
Kung nakakaranas ng mga ganitong problema sa nipples, maaaring mayroon kang eczema, ayon kay Dr. Margarette Stearn sa embarassing problems.com.
Ang pangangati ng nipples ay maaaring maglagay sa isang babae sa nakakahiyang sitwasyon.
Maaaring mangati o magtuklap ang balat sa parehong nipples. Maaaring maapektuhan ang dalawang nipples, maaaring isa lang. Maaaring magkaroon nito sa palibot ng nipple o sa tinatawag na areola.
Kung magpapatingin sa doctor, mabibigyan ng gamot sa pangangati tulad ng steroids cream.
Maaari ring mangati kapag kumikiskis ang nipples sa damit.
Bihira ang pagkakataong ang eczema sa nipple ay sanhi ng isang cancer sa ilalim. Hindi ito karaniwan ngunit kung may ganitong problema, ipinapayong magpatingin sa doctor. Nagkakaroon nito sa mga middle-age o may edad nang babae.
Hindi ito karaniwang makati ngunit parang may nakakairitang mararamdaman.