Ayon sa medicineplus.com, ang normal na buhok sa katawan sa mga babae ay ibaiba.
Karaniwang maninipis lang ang balahibo ng mga babae na tumutubo sa itaas ng labi, sa chin, dibdib, tiyan o likod na tinatawag na hirsutism.
Ito ay karaniwan sa mga lalaki.
Ang dahilan ng hirsutism ay mas madaming male hormone na androgen ang napro-produce. Karaniwan kasing mababa lang ang androgen level ng mga babae. Kapag mataas ang male hormone, magkakaroon ng unwanted hair growth.
Pero minsan ay nasa lahi din ito.
Pero ang hirsutism ay harmless condition ngunit nakakairita ito sa mga babae o minsan ay nakakahiya.
Ang karaniwang sanhi ng hirsutism ay polycystic ovarian syndrome (PCOS). Ang mga babaeng may PCOS at iba pang hormone conditions na sanhi ng unwanted hair growth ay maaari ring tighiyawatin at may problema sa menstrual periods, hirap sa pagdidiyeta at may diabetes.
Kung biglang nagkaroon ng ganitong mga symptoms maaaring may tumor na nagpapakawala ng male hormones.
Ang iba pang sanhi ng unwanted hair growth ay:
• Tumor o cancer sa adrenal gland
• Tumor o cancer saovary
• Cushing syndrome
• Congenital adrenal hyperplasia
• Hyperthecosis (isang condition kung saan ang ovaries ay nagpro-produce ng sobrang male hormones)
* Sobra sa mga gamot na tulad ng testosterone, danazol, anabolic steroids, glucocorticoids, cyclosporine, minoxidil, at phenytoin.
May mga pagkakataong mababa ang male hormones ng mga babae ngunit maraming unwanted hairgrowth.
Maaaring i-shave ang mga balahibo pero kakapal lamang ito.
Maaari ding i-pluck o magpa-wax ngunit masakit ito.
May mga hair remover na mabibili ngunit karaniwang may mga amoy ito.
Ang iba ay nagbi-bleach para hindi masyadong halata ang mga balahibo.
Ngunit ang mga ito ay temporary lamang.
Subukang magbawas ng timbang dahil nakakabawas ito ng hair growth.
May permanenteng solusyon tulad ng Electrolysis kung saan gumagamit ng electrical current para patayin ang hair follicles para hindi na tumubo uli.
Puwede rin ang Laser hair removal kung saan gumagamit ng laser sa dark color (melanin) sa buhok o balahibo.