Alam ng lahat na ang Cardiopulmonary Resuscitation o mas kilala bilang CPR ay nakakapagligtas ng buhay. Pero hindi lahat ay nakakabatid sa tamang paraan ng pagsasagawa nito. Sa panahong pabugso-bugso ang masamang panahon at iba pang kalamidad mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman para sa mga hindi inaasahang kalamidad.
Mahalagang malaman ang tamang proseso ng pagsasagawa ng CPR dahil sa pamamagitan nito ay maaaring makapagligtas ng taong nasa balag ng alanganin. Ginagamit ang CPR para matulungang maibalik ang taong dumanas ng heart failure, hirap sa paghinga o maging ang mga may tubig sa kanilang baga.
Ang makapagligtas sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng hininga at chess compression ang ipinapaliwanag na dalawang pangunahing components ng CPR. Mahalaga ang CPR sa anumang emergency situation at itinuturing na kritikal ang mga unang minute sa pagsasagawa nito.
1 I-check ang reaksiyon. Bago isagawa ang CPR, maingat na i-shake ang pasyente at itanong sa kanyang kung naririnig ka niya. Kung walang reaksiyon, ituloy ang pagsasagawa ng ikalawang hakbang.
2 Iposisyon ang ulo. Ipa-slant ang pagkakasandig ng ulo, maingat na diinan ang noo pababa, at iangat ang baba gamit ang iyong dalawang forefingers. Ilapit ang ulo sa pasyente at damhin kanyang paghinga sa iyong pisngi. Kung hindi siya humihinga o nahihirapan sa paghinga, simulan ang pag-rescue sa kanya. (Itutuloy)
3 Pagtatakip sa bibig. Kailangang takpan ang bibig ng pasyente gamit ang sariling bibig. At hingahan siyang dalawang beses. Dapat sa bawat paghinga ay mapaangat ang dibdib ng pasyente. Panatilihing naka-slant ang posisyon ng kanyang ulo at naka-angat ang baba habang sinusubukang sagipin ang kanyang paghinga.
4 Paggamit ng mga kamay. I-interlock ang iyong magkabilang kamay, nakaharap ang mga palad sa pasyente. Ilagay ang mga kamay sa gitnang bahagi ng kanyang dibdib. Matatag na idiin ito sa kanyang dibdib. Inirerekomenda ng mga health care expert ang 30 chest compression sa bawat pagkakataon. Dapat na maging mabilis at matatag ang compression.
5 Paghahalinhin sa tuluy-tuloy na rescue breaths. Ipagsalitan ang dalawang rescue breaths sa 30 chest compression hanggang sa makahinga na ang pasyente o hanggang sa may dumating na ibayong tulong.
Mahalagang tandaan na kung hindi kilala ang gagawan ng CPR, ipinapayo na gawin ito nang ligtas sa pamamagitan ng paggamit ng safety device. Kung wala ka naming sapat na kasanayan sa pagsasagawa ng CPR, ikonsidera lamang ang chest compression dahil tanging mga trained lamang ang siguradong makakapagsagawa ng halinhinang chest compression at rescue breathing.
Gayunman, ang alin man sa chest compression o rescue breathing, ayon samga expert ay ikinokonsiderang CPR.
Importante rin na malaman na iba ang proseso ng CPR para sa mga bata o sanggol kumpara sa mga adults.