Bakit nanlalamig ang pag-ibig?

Dear Vanezza,

Tanong ko lang po, bakit mo kaya nanlalamig ang pag-ibig ng isa’t isa kahit matagal na silang magkasintahan? Hindi po ba ito maiiwasan? Natatakot po kasi ako na mangyari ito sa amin ng aking mahal. Kung mangyari po ito, ano po kaya ang dapat kong gawin? - Loumar

Dear Loumar,

Kadalasan, nagkakalamigan ang magkasintahan o mag-asawa sa katagalan dahil unti-unting lumalabas ang kanilang kapintasan. Dapat mong malaman na ang pag-ibig ay hindi lamang yung nararamdaman mong romantic feelings dahil ang damdaming iyan ay kumukupas sa paglipas ng panahon. At kapag nawala ang romantic feelings, doon na nakikita ng lalaki at babae ang kapintasan at pagkukulang ng bawat isa. But if you are not only lovers but the best of friends, kumupas man ang romantic feelings, ang relasyon ay matindi pa rin ang kapit sa pagkakaibigan. Iyan ang sikreto ng maraming mag-asawa na matatag ang pagsasama. Kaya ‘wag kang mangamba. Kung sa umpisa pa lang ay tanggap mo na at ng mahal mo ang kapintasan ng isa’t isa at hindi lang nakatuon sa magagandang qualities, walang dahilan para manlamig ang pag-ibig n’yo sa isa’t isa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments