Pilay

Panaginip: Naging pilay ako sa panaginip at tine-therapy sa isang ospital o rehab center. Ang aking friend sa real life ang naging therapist ko. Iyak siya nang iyak sa sobrang awa sa akin. Background : Bago pa lang ako sa aking pinagtatrabahuhang ospital bilang therapist. ---Miles

Interpretation: Kapag bago kang empleyado, may feeling ka na para kang hindi makakilos at makapagtrabaho nang maayos dahil sa paninibago. Ang resulta, para kang “handicapped”. Ito ang sinisimbolo ng pagiging pilay mo sa panaginip.

Show comments