Gaano ka kasuwerte sa pagkita ng pera? (3)

Ang Money Number ay mula sa petsa ng iyong birthday o ng iyong destiny number (birthdate + birth month + birth year = destiny number).

5 Money Number

Magaling siya sa negosyo. Kung naging employer, mabait siya at mapagbigay sa mga empleyado niya. Naniniwala kasi siya sa pilosopiya na kailangang ipamigay ang pera upang patuloy itong umikot, kumalat sa mga tao at nang muli itong bumalik sa kanya nang doble. Laging maraming pera dahil sa good karma.

6 Money Number

Ang 6 ay numero ng kasaganaan. Kadalasan ay napapamanahan sila. Umuunlad ang anumang hawakan o pamahalaan nilang negosyo. Hindi magiging super mayaman ngunit hindi rin mararanasang maghirap. Timplado lang ang kanyang financial status.

Itutuloy

Show comments