Ano ang CVS? (Last Part)

Ang iba pang sintomas ng CVS ay ang panu­nuyo ng mga mata, pananakit ng ulo, blurred vision, pagkakaroon ng sensitibo sa liwanag, pagdanas ng pseudomyopia o ang temporary na hindi makapag-focus, double vision at squinting o hindi pagtingin ng parallel ng mga mata.

Kung nakakaranas ng CVS, payo ng mga expert subukan na ikonsidera ang paggamit ng computer glasses, maaari rin kumindat ng madalas, huminga ng malalim at mag-break kada oras o kalahating oras ng paggamit. Maaari rin gumamit ng artificial tear para sa mga mata na nanunuyo o naiirita, makakatulong din ang pagbabawas ng screen glare sa pamamagitan ng paga-a-adjust ng light level ng inyong computer at ang pagpapalaki ng font size ng text sa computer para mas maging madali para sa inyong mga mata ang pagbabasa.

Show comments