Napag-usapan na natin ang inverted nipple at nipple discharge, talakayin naman natin ngayon ang mabalahibong nipples.
Karaniwang may balahibo sa paligid ng nipples. Sa katunayan, ayon kay Dr, Margaret Stearn ng embarassingproblems.com, maaari itong bunutin sa pamamagitan ng tweezers ngunit maaari itong magdulot ng irritation dahil napakasensitive ng ating balat sa paligid ng nipple.
Mas maganda kung gupitin na lamang ito o kaya ay hayaan na lamang ito dahil tutubo lang naman ito uli.
Hindi dapat mag-alala kung may buhok sa nipples maliban nalang kung masyadong maraming buhok na tumubo sa ibang bahagi ng katawan at kung irregular ang inyong period.
Kung may ganitong problema, ipinapayong magpatingin sa doctor dahil posibleng may polycystic ovary syndrome (PCOS).