Gaano ka kasuwerte sa pagkita ng pera?

Ang gagamitin dito ay ang petsa ng iyong birthday o ang iyong destiny number (birthdate + birth month + birth year = destiny number).

1 Money Number

Bihira sa taong may Money no. 1 ang nagkakaroon ng utang o kung mayroon man, nababayaran kaagad niya. Ang suwerte niya sa pagkita ng pera ay panghabambuhay. Nahahawahan niya ng suwerte sa pagkita ng pera ang sinumang malapit sa kanya o mga taong nagtatrabaho sa kanya.

2 Money Number

Ang taong may Money no. 2 ang may pinakamababang tsansa na magkamal ng mara­ming pera. Alam n’yo kung bakit? Dahil sila ang pinakamapagbigay sa lahat ng Money Number at sila lang ang hindi mukhang pera. Ang tendency niya ay ipamigay ang kung anumang grasya na mayroon siya. Minsan ay nagiging gastador kaya dapat ay kontrolin ang ugaling ito. Kung hindi, tiyak na mabaon sa utang.

Itutuloy             

Show comments