Alam n’yo ba na sa Russia, hindi sila naghahada sa kanilang noche Buena ng anumang pagkain na mayroong “meat” o laman mula sa anumang hayop? Madami silang inihahandang pagkain ngunit walang anumang pagkain mula sa hayop. Ang bida sa kanilang hapag-kainan ay ang “Kutya”. Ito ay isang lugaw na gawa mula sa wheatberry at iba pang pagkaing-butil na sumisimbolo sa pagkakaisa, pag-asa at mahabang buhay. Naghahanda din sila ng pulot at iba pang buto para magkaroon ng kasiyahan, tagumpay at mapayapang buhay.