Kung kailan nakaalis na si Sandra, saka naunawaan ni Gabriel na totoong sinaniban ito kanina ng kaluluwa ni Carmina; naging unwilling medium si Sandra, hindi peke.
“Napakatanga ko para magduda. Walang motibo si Sandra, di ba nga nagtago na siya sa akin para limutin ako? Kung plano niyang lokohin ako, e di sana’y tinuluy-tuloy na niya ang panlilinlang? Hindi sana tulad nito na hindi natapos ang pag-uusap namin ni Carmina…”
Napabuntunghininga ang binatang propesor. Ayaw pa ring umalis sa abandonadong kubo sa tabing dagat.
Walang sindi ang kandilang nasa mesa. Namatay nga pala ito sa gitna ng pag-uusap nila ni Carmina sampung minuto na ang nakararaan.
Wala sa loob na sinindihan ni Gabriel. Lumaganap ang malamlam na liwanag ng kandila.
“Carmina…do something, kumpletohin natin ang pag-uusap. Tell me, bakit ayaw mo na?”
Swooosshh. Biglang humihip ang malamig na hangin.
Kinabahan si Gabriel. “Carmina, a-are you coming?” Unti-unting nabuo ang malausok na anyo ng nobya. “Narito na akong muli, Gabriel.”
“Oh my God, Carmina! Ikaw nga!”
“Pinayagan ako ng Langit na magpaalam na sa iyo…kahit hindi sa tulong ni Sandra…”
Tunay ang kaluluwa, tiyak ni Gabriel. “M-magpapaalam ka na…?”
“Gabriel…hindi na ako nagpakita noon—dahil nais kong mag-move on ka na. Pero hindi ka pa rin nag-move on, patuloy mo akong hinahanap…”
“That’s because I love you, Carmi.” Pinipigil ni Gabriel ang emosyon. “Unfair na ibigin mo pa ako. May mahabang buhay ka pa ahead of you, dapat lumigaya sa piling ng mortal din…” Pilit umuunawa si Gabriel. Pinapalaya na siya ni Carmina sa kanilang pag-ibig; nais ni Carmina na mamuhay siyang normal.“A-ano ang role ni Sandra? Bakit siya ang sinaniban mo kanina?” Ngumiti ang kaluluwa. “Baka lang ‘ka ko masumpungan mo kay Sandra ang bagong pag-ibig. Tunay siyang nagmamahal din sa iyo…” Nalaglag ang luha ni Gabriel, bukas ang isip. “Kiss me goodbye, Carmina…bago ka tuluyang magpaalam.” Hindi nagkait si Carmina. (Naiibang Ending tomorrow.)