6 Beta Carotene
Nagsisilbing shield din ito laban sa sun damage at tumutulong para matamo ng katawan ang kailangan Vitamin A, na mahalaga para magkaroon ng magandang paningin, paglaki, lumusog ang balat at immune system. Ang pagkonsumo ng carrots, sweet potatoes, pula at dilaw na peppers, spinach, mangga at apricots ang isang paraan para makuha ang nutrients na ito.
7 Isothiocyanate
Sinasabing skin cancers at breast cancers ay dalawa sa pangunahing mga sakit na nilalabanan ng grupo ng nutrients na ito, sa pamamagitan ng pagbawas sa nakakalasong epekto at pagsi-secrete ng iba pang anti-carcinogen chemicals. Dito maaasahan ang broccoli, cauliflower, kale, Brussels sprout, cabbage, watercress at turnips.
8 Vitamin E
Pinaka-sikat na maituturing ang bitaminang ito sa lahat kung tungkol sa pagpapaganda ng balat ang pag-uusapan. Dahil laganap ito bilang lotion ingredients.
Ayon sa mga expert, ang antioxidant na ito kasama ng selenium (nakukuha ito sa mga pagkain gaya ng turkey at bawang) at vitamin C, para sa mataas na antas ng proteksiyon para sa balat.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang vitamin E ay may mahalagang bahagi para sa immune function, DNA repair at iba pang metabolic processes. Ang wheat germ, almonds at sunflower seeds ang ilan lamang sa mapagkukunan nito. Itutuloy
9 Vitamin C
Hindi lamang kilala bilang tagapagpalakas ng resistensiya ang vitamin na ito kundi bilang tagapagpagan ng collagen, na magbibigay ng mas magandang complexion ng balat at magiging mukhang bata. Pero ang epekto nito ay talagang higit pa sa balat. Dahil ang fibrous protein na building block para sa balat ay mainam din para sa tendons, joints at iba pang connective tissues at mga buti. Asamang pinagbubuti nito ang blood vessels para maging malusog.
Mainam na mapagkunan nito ang mangga, strawberries, potatoes, oranges, broccoli, green pepper.
10 Omega-3
Marami na rin ang nakakalam sa napakainam na dulot ng omega 3 sa katawan, particular sa puso. Pero ayon sa mga expert, mahalaga rin ang ginagampanan nito para mapaganda ang balat. Dahil tinutulungan nito na dumaloy ang nutrients sa mga cells at magsilbing systemic anti-inflammatory.
11 Vitamin Bs
Ang kombinasyon naman ng mga vitamins na ito ay maasahan para agad na maayos ang balat. Alalahanin na kung salat ang katawan sa nutrisyong ito, ilan sa mga disorder na maaaring maranasan ay ang dermatitis; pagbabakbak ng labi, dry skin at pagsusugat nito. Para maiwasan ito, i-maximize ang pagkain ng fat-free milk, fat-free cheese, fat-free yogurt, whole grain cereal, saging, chick peas, oats, mga mani at chicken breast.
12 Cocoa
Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na ang pagkain ng cocoa ay nag-i-improve sa photoprotection na nasa balat ng mga kababaihan, nagpapaganda rin sa dermal circulation at nagpapabuti sa kabuuang itsura ng balat. Pero mahalaga rin na maging tama ang pagkonsumo. Dahil maiiba ang epekto kung kakain ng maraming dark chocolate.