Alam n’yo ba na ang Christmas season ay tinatawag din na Diamond season? Bakit? Dahil kapag malapit ng sumapit ang Pasko ay maraming bumibili ng diamond sa mga jewelry stores. Umaabot naman ng 37 milyong fresh na Christmas tree ang naibebenta ng mga manufacturers nito taun-taon sa buong mundo. Opisyal na naging holiday ang December 25 sa Alabama noong 1836. Itinakda naman ni Pope Liberius noong 354 A.D. ang December 25 bilang opisyal na petsa ng Kapaskuhan. Noong 877 A.D. Binigyan ni Alfred the Great ang mga English servants ng 12-araw na Christmas holiday. Ang kantang “Jingle Bell Roch” ay orihinal na isinaplaka ng singer/artist na si Bobby Helms noong 1957 at ito ay isinulat ni Joseph Caleton Beal at James Ross Boothe. Ngayon ay ini-revive na ito ng 25 iba’t ibang artists kabilang ang The Platters, Chubby Checkers, Johnny Mathis, Dion George Strait at Hilary Duff. Ipinatigil naman ang pagdiriwang ng Kapasukuhan sa Boston mula 1659 hanggang 1681. Ang sinumang makitaan ng pagdiriwang nito ay pinagmumulta. Ang numero unong sikat na kanta kapag Christmas day sa U.S. noong 1958 ay ang “The Chipmunk Song” ni David Seville na inawit ni Alvin, Simon and Theodore (sila ang tatlong chipmunks).