‘Hahanapin Kita (26)’

“OH MY GOSH!” tarantang sabi ni Sandra, hindi malaman kung paano tatakpan ang kahubaran kay Gabriel; titig na titig ito sa katawan niya.

Nakahagilap ng kumot, itinago ang nakabuyangyang na kariktan. “Gabriel naman, bakit ka tumingin?”

“W-wala akong nakitang m-multo, Sandra…”

“Pero nakita mo ang aking—”

“H-hindi ko naman minemorize…sulyap

lang…”

“Hu-hu-hu-huuu! Nakitaan mo ako!”

“Sandra, w-wala naman ‘yon…anyway, nakasuot

ka naman ng underwear, you are not totally naked.”

Nagpakahinahon ang dalaga. “M-may multong

nagparamdam sa akin…kaya ako nanggising.”

“Iyon na nga. Inalis ko ang aking piring para

makita…wala naman.”

HININTAY na lang nila ang pag-uumaga, hindi na natulog.

May thermos at instant coffee, nagkape sina Gabriel at Sandra. Malamig-lamig na ang temperature, hindi na maalinsangan.

“Umagang-umaga’y tutuloy na tayo sa ispiritis tang kausap ko.”

“Gabriel, please lang, walang dapat makaalam na nakitaan mo ako.”

“Wala nga iyon. Hindi naman ako manyakis, hindi rin tsismoso.”

“Babae ang multong lumapit sa akin, palagay ko.”

Hindi ito pinansin ni Gabriel.

“Sandra, baka nanaginip ka lang…”

Tumahimik na lang ang dalaga.

BAGO mag-alas otso ng umaga, kaharap na ni Gabriel ang ispiritista sa loob ng madilim na silid. Nakamasid si Sandra.

Ang ritwal ay sa paligid ng bilog na mesang may kandilang nakasindi. Nag-concentrate agad ang biyudang malusog. Nakapikit na nag-orasyon, nakalahad ang mga kamay sa langit.

Kinokontak ng is piritista ang yumaong nobya ni Gabiel. Bulong na hindi maintindihan ang inuusal ng ispiritista.

Maya-maya’y na ngi nig na ito, palatandaang nasa paligid na ang

kinokontak na kaluluwa.

Kinausap. “Hinaha nap ka ng nobyo mo…”

Nanlamig sina Gabriel at Sandra.

Totoo nga bang nakontak na ang babaing hinaha nap?

Ang ispiritista ay naglahad kay Gabriel, kita ang pagtataka. “Gabriel, hindi ka raw niya kilala.”

(ITUTULOY)

Show comments