Cystitis sa mga babae (2)
(Para makaiwas)
• Pagkatapos ‘magbawas” kung mapupunas o mag huhugas ng puwet, gawin ito na mula sa private part, papunta sa likod. Iwasang gawin ang pagpupunas o paghuhugas ng mula sa puwet papunta sa private part.
• Huwag magsuot ng mga masisikip na pantalon o kahit na anong masikip na pang-ibaba. Maaari kasing magasgas ang opening ng urethra sa mga tahi ng pantalon na maaaring maging sanhi ng infection.
• Kung may interstitial cystitis, suriin ang inyong diet. May mga taong kapag umiinom o kumakain ng caffeine, alcohol, chocolate, artifi cial sweeteners o acidic foods at maaaring magpalala ng cystitis. Maaari ding makasama ang paninigarilyo.
• Kung nagmenopause na, ang vaginal dryness ay maaaring maging sanhi ng pamamaga at pagkagasgas ng urethra sa pakikipag-sex. Gumamit ng lubricant. Tanungin ang inyong pinagkakatiwalaang OB Gynechologist ukol sa cystitis para sa treatment na kailangan. (Itutuloy)
- Latest