MAY multong nagmamasid kina Gabriel at Sandra, sa paupahang silid, pero ang pansin ng dalawa ay nasa nakaiilang na sitwasyon-- kung paano sila makakatulog sa maalinsangang gabi.
“Magbawas ka nga ng damit, Sandra. Solohin mo itong kama. Ako’y puwede nang sa sahig matulog.” Nagpapaka-gentleman si Gabriel.
“S-Sanay kasi akong matulog na naka-underwear lang kapag mainit. Akala ko nama’y hindi sira ang aircon…”
Nananatiling nakamasid lamang ang ghost, hindi nakikita nina Gabriel at Sandra, nakatago sa dilim.
“Hindi ako titingin kahit mag-underwear ka na lang, I promise.”
“Mahirap ‘yon, Gabriel. Matutukso at matutukso ka.”
“No, iisipin ko ang sagradong pagmamahalan namin ni Carmina, kaya kong labanan ang tukso, Sandra.”
Ang solusyong napagkasunduan, si Gabriel ay matutulog na nakapiring ang mga mata. Si Sandra mismo ang nagtali ng makapal na panyo sa mga mata ng binata.
“Wala na talaga akong makita, Sandra. You’re safe now.”
“Good.” Naghubad na ang dalaga. Undies na lang ang inilabi. Hindi puwedeng magkumot dahil mainit.
“Sandra, may problema.”
“Ikaw naman ang naiinitan, dahil sa makapal mong suot, Gabriel?”
Pumayag ang dalaga na maghubad ng pang-itaas si Gabriel. Nanatili itong nakapiring ang mata.
Sa kama sila matutulog pero magkalayo, may pagitan pang mga unan.
“Goodnight, Gabriel. Walang dayaan, ha?”
SA HABA ng magdamag ay nakatulog na rin ang dalawa. Malamlam ang ilaw, halos walang silbi ang aircon na super-hina ang lamig.
Ang multo ay paiba-iba ng puwesto sa silid, ewan kumbakit.
Mayamaya’y kay Sandra na ito lumapit nang husto.
Napaigtad ang dalaga, biglang nagising.
Nadama niya ang presencia ng multong hindi nagpapakita.
“Gabriel, may multo! Gumising ka!”
Hinablot ni Gabriel ang piring sa mata.
“Nasaan?” Hinahanap ng binata ang multo.
Walang multo. Ang nakita niya’y ang halos hubad na dalaga. Napalunok si Gabriel. (ITUTULOY)