(Para makaiwas)
Natalakay na natin ang tungkol sa cystitis sa mga babae, ang dalawang uri nito na bacterial cyctitis at Intertitial cystitis at mga sintomas nito.
Maraming mga babae na nagkakaroon ng UTI o urinary tract infection na hindi na nagkakaroon uli nito.
Ngunit may mga babae laging may UTI.
Narito ang mungkahi ng embarassingproblems.com kung paano maiiwasan o mababawasan ang madalaas na pag-atake ng cystitis.
Ang mga ito ay para sa bacterial cystitis ngunit maaaring makatulong din para sa interstitial cystitis.
• uminom ng cranberry o lingonberry juice araw-araw o kumain ng bluberries araw-araw.
• sa paghuhugas ng puwet o private part, gamitin ang kamay at magbanlaw ng maigi. Huwag gumamit ng sponge o loofa o kung anu-ano pang gamit pampaligo dahil naiipunan ito ng bacteria kahit na inaanlawang maigi.
• huwag gumamit ng antiseptic wipes o mabangong sabon dahil may mga kemikal ito na maaaring makairita sa vulva at sa opening ng urethra na maaaring magpalala ng problema. (Itutuloy)