Ayaw ng tumayo ni ‘Manoy’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Larry, 45 years old at may asawa. Ang misis ko ay 28 years old lang. Hindi ko sukat akalain na darating ang ganito kabigat na problema sa akin. Minsan sa aming pagtatalik ay ayaw nang tumayo ang aking pagkalalaki. Akala ko pagod lang ako. Nagpa­hinga ako ng dalawang linggo pero nang ulitin ko, ayaw pa rin. Doon na ako kinabahan. Nang magpatingin ako sa doktor, nadiskubre kong diabetic ako. Umaabot sa 200 ang blood sugar ko. Ganyan pala ang epekto ng diabetes. Ayaw ko namang sumubok ng viagra at iba pang gamot na sinasabing nagpapanumbalik  sa sigla ng lalaki sa sex dahil sabi ng doktor ay bawal ito sa akin. May heart condition kasi ako.  Hindi naman palahanap ang aking asawa pero nangangamba rin ako dahil baka hindi ko na matugunan ang kanyang pangangailangan. Bata pa kasi siya at iisa pa lang ang anak namin. Pinayuhan ako ng doktor ko na sumubok ng mga herbal food supplements pero walang epekto ang mga ito. Ang sabi niya, baka sakaling manumbalik ang kakayahan ko kapag na-regulate ang blood sugar ko. Isang buwan na akong naggagamot ngayon at normal na ang blood sugar ko. Ano kayang mabuti?

Dear Larry,

Magtiyaga kang maghintay at asahan ang sinabi ng iyong doktor na maaring magbalik ang iyong kakayahan sa sex kapag fully regulated na ang blood sugar mo. Kaunting pasensiya lang. Marahil naman ay mauunawaan ng iyong misis ang kalagayan mo. Ang relasyon ng mag-asawa ay hindi lang naman puro sex. Maipadarama ninyo ang inyong pag-ibig sa isa’t isa sa ibang paraan.

 

Show comments