‘Mouth ulcer’
Ang mouth ulcer ay inilalarawan ng mga health care expert bilang sakit sa bibig kung saan dumaranas ng pagkirot at pagsusugat ang bahaging ito ng katawan. Sa pag-aaral ng mga health care expert, maraming disorder ang nagdudulot ng mouth ulcer kabilang na dito ang cancer sore o aphthous ulcer, gingivostomatitis (viral o bacterial infection), herpes simplex (viral infection), leukoplakia- isang precancerous sore na nade-develop sa dila, oral cancer, oral lichen planus o matinding pangangati sa bibig at oral thrush na dulot ng yeast infection.
Natutukoy ang mouth ulcer sa pamamagitan ng itsura at posisyon ng bahaging apektado, may pagkakataon din na nagsasagawa ng blood test o biosy para malaman ang sanhi ng mouth ulcer.
- Latest