Nagpapalit na kulay ng penis

Natalakay na natin ang iba’t ibang nakakahiyang problema sa penis. Narito ang isang  topic na masasabi nating hindi naman problema ngunit napapansin ng mga lalaki sa kanilang ‘alaga.’ Nag-iiba ba ang kulay ng penis mo kuya?

Ayon kay Dr Margaret Stearn FRCP  mula sa Oxford University and St George’s Hospital Medical School na kilalang eksperto sa mga nakakahiyang problema, normal lang na mag-iba ang kulay ng ulo ng penis o ang tinatawag na glans.

Madalas na nangyayari ito kapag na-arouse ang mga lalaki. Minsan ayparang nagkukulay mapusyaw na ube ito.

Ayon kay Dr. Stern, ito ay dahil ang balat ng glans ay mayroong maraming maliliit na blood vessels kaya ang pagpapalit ng kulay ay dahil sa  pagbabago sa blood flow.

Kaya walang dapat ikatakot kung nangyayari ito sa inyo. Ngunit kung namamaga ang penis at kung Makati ito at namumula at kung hindi karaniwan ang itsura nito, posibleng mayroon kang balanitis na nauna nating natalakay.

Kung ganito ang kaso, ipinapayong magpatingin upang mabigyan ng karampatang lunas.

Show comments