Mainam itong gawin ng mga na-trauma dulot ng malungkot na pangyayari sa kanyang buhay.
• Maglagay ng square na papel sa ilalim ng kama. Itapat ito sa iyong torso/ katawan. Mas mainam kung may makukuha kang brown paper pero okey lang kahit anong klaseng papel basta’t malinis.
• Ang square na papel ay simbolo ng earth element. Makakatulong ito upang manumbalik ang iyong tiwala sa sarili at sigla na ipagpatuloy ang buhay anupaman ang masamang nangyari sa buhay.
• Habang nakahiga at nakatapat ang papel sa iyong torso ay sambitin ang mga sumusunod na affirmation: Maibabalik ko na ang saya sa aking puso’t isipan.
• Ulit-ulitin mo ito hanggang sa makatulog ka.
• Laging gumamit ng mga bagay na kulay orange.
• Kumain ng mga pagkaing may kulay orange.
• Laging magsuot ng damit na may kulay orange.
• Nagtatanggal ng trauma ang kulay orange.