May ‘healthy relationship’ ka ba?

Paano nga ba malalaman kung ikaw ay nasa isang relasyon  na maituturing na maayos at malusog o ‘yun tinatawag na “healthy relationship”. Narito ang ilang palatandaan:

Suriin ang mga aspeto ng iyong buhay – Una sa lahat dapat mong ilagay sa iyong isip at puso na hindi lang sa iyong partner dapat na umikot ang iyong mundo. Dapat mo din suriin kung paano nakakaapekto sa iba mo pang responsibilidad ang iyong relasyon sa taong ito. Mayroon ka pa rin bang oras na magampanan ang iyong pagiging kaibigan sa iba, kapatid, empleyado o ang iyong pagiging anak na babae ng iyong mga magulang?

Tanungin ang iyong sarili kung ikaw ay masaya – Maaaring pangkaraniwang sa’yo ang katanungang ito, ngunit dapat mo itong sagutin ng buong katapatan sa iyong sarili. Wala na dapat ibang dahilan bakit ka nananatili sa isang relasyon kundi dahil sa ikaw ay masaya at payapa. Hindi ka dapat nananatili sa isang relasyon dahil lang mayroon itong ibinibigay na benepisyo sa’yo, o dahil ikaw ay natatakot na wala ka ng makuhang kapalit niya kung sakaling ikaw ay makikipaghiwalay sa kanya dahil hindi ka na nga masaya.

Suriin kung mayroong senyales na “healthy” o hindi ang inyong relasyon – Kung ikaw ay mayroong duda na hindi na kayo kapwa masaya sa inyong relasyon, bakit hindi ka gumawa ng listahan ng mga palatandaan na ang inyong relasyon ay maayos. Ilan dito ay ang pag-aapruba ng inyong mga kaibigan at pamilya ng inyong relasyon, iisa ang lebel ng inyong “commitment” at pag-ibig sa isa’t-isa.

Tingnan ang mga senyales ng hindi maayos na relas­yon -  Matapos mong ilista ang mga palatandaan ng masayang relasyon, bilangin mo naman ang mga nakikita mong hindi mabuti dito gaya ng nakakaranas ka ba ng pang-aabuso mula sa iyong partner? Ang pang-aabuso ay hindi lang pisikal, maaari ka din maabuso ng berbal, emosyonal at sekswal. Kung pinagsasalitaan ka niya ng mga masasakit na salita at nagdudulot ito ng kawalan ng kumpiyansa sa iyong sarili, walang duda na ikaw ay nakakaranas ng pang-aabusong berbal. Pakiramdam mo ba ay nahaharang niya ang iyong paglago bilang indibiduwal?

 

Show comments