‘Food Horoscope’

Last part

Sa Indian astrology, may “ideal food” sila bawat araw. Ang epekto ng pagkain ng  “food for the day” ay mas tumatalab sa katawan ang sustansiya.

Friday—Venus ang planetang kumakatawan sa araw na ito kaya ang pagkaing angkop na kainin ay magpapalakas  sexual potency: oyster, nuts, eggs, almonds, pakwan, kamatis, oranges, chocolate, etc.

Saturday—Mga junk foods at oily foods. Sinasabi ng mga Indians na si Saturn ang ruler ng oil, kaya ligtas kumain ng fried foods kapag araw niya.

Sunday—Galing sa salitan Sun kaya obvious kung sino ang naghahari sa araw na ito. Lahat ng klase ng prutas at gulay ay mainam kainin dahil nabuhay ang mga ito sa ilalim ng sikat ng araw.

Ang paglalathala ng artikulong kagaya nito ay hindi para umakit na gawin ninyo ito bagkus inilathala ko ito “just to inform you” na may ganitong klaseng paniwala ang ibang lahi.

 

Show comments