Sa Indian astrology, may “ideal food” sila bawat araw. Ang epekto nito ay mas tumatalab sa katawan ang sustansiya ng pagkain.
Monday—Moon ang nag-iimpluwensiya sa araw ng Monday. Ang Moon ay compatible sa tubig kaya prutas at gulay na matubig ang dapat kainin kagaya ng pakwan, pipino ang dapat kainin.
Tuesday—planetang Mars ang nag-iimpluwensiya sa araw ng Martes. Pinaniniwalaang mainit ang planetang Mars kaya prutas na nagdudulot ng init ang dapat kainin kagaya ng mangga, dates at pineapple.
Wednesday—Mercury ang ruler ng araw ng Miyerkules. Ito ang araw na walang pinipiling pagkain. Kahit ano, puwedeng kainin.
Thursday—Jupiter ang planetang katapat ng araw na ito. Pagkaing may kulay na yellow at orange ang angkop na kainin kagaya ng lemon, oranges, pumpkin at carrots. Itutuloy