Inaakala ng marami na ang “body type” ay naglalarawan lamang sa kung ano ang itsura ng isang tao. Pero sa katunayan sa pamamagitan ng body type ay makakakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano nagre-react ang iyong katawan sa kinakain mo at maging ang iyong hormonal at sympathetic nervous system (SNS) characteristics.
Ang physique characteristics ay maaaring iugnay sa metabolic differences ng bawat tao. Kapag na-established na ang body type, pwede nang i-adjust ang nutrient intake para ma-maximize ang body composition at ang iba pang goal pangkalusugan.
May tatlong pangkalahatang categories ng body types (somatotyoe): ang ectomorph, mesomorph at endomorph. Ayon sa mga health exoert, iilan lamang ang tumutugma sa isa sa tatlong nabanggit na mga categories. Dahil karaniwan, mix o pinaghalo ang mga katangian ng iang tao. Bukod pa dito, ang ilang taong pagsasanay at magandang nutrition ay maaaring magpabago sa panlabas na katangian ng katawan ng isang tao.
Halimbawa, ang isang bodybuilder ay maaaring mapagkamalang natural o mesomorph samantalang siya ay nabibilang sa endomorph, na sinanay at nagda-diet ng maigi; o isang ectomorph na ginugugol ang mga taon sa labis na pagkonsumo ng protein shakes at nagsasagawa ng power lifts. Ang isang ectomorph, na bahagyang nadagdagan ang bigat sa gitnang bahagi ng katawan dahil sa pagkakaroon ng sedentary o hindi aktibong lifestyle at poor nutrition ay maaaring ituring na mas pasok sa endomorphic catergory. (Itutuloy)