Alam n’yo ba na isa ang orange sa mga prutas na kayang lumaban sa sakit na cancer? Nagtataglay ito ng liminoids na lumalaban sa anumang uri ng cancer. Ang pagkain ng isang orange sa isang araw ay nagpapalakas sa white blood cells ng iyong katawan para mas mapatatag ang immune system nito sa anumang uri ng bacteria o sakit. Tumutulong din ang orange para maging fertile ang mga lalaki. Nagpapababa din ito ng cholesterol sa liver at nagpapatibay ng iyong kidney. Mahusay din ang orange sa kalusugan ng iyong puso dahil pinatitibay nito ang artery wall nito. Tumutulong din ito para maging malinis ang iyong bituka. Higit sa lahat nakakapagpabata ang prutas na ito dahil inaalis nito ang mga dead cells sa balat.