^

Para Malibang

Nagsisisi sa pagpapakasal

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Just call me Lizzy. I’m secretly married to my bf. Last year nagpunta kami sa isang town mayor para magpakasal. Uncle ng bestfriend ko ang Mayor. Pinangaralan muna kami ng Mayor na ang kasal ay panghabambuhay at dapat nakasisiguro kami na talagang desididong maging lifetime partner. Nagpakasal kami at nagkasundo na magtatapos muna ng pag-aaral. Hindi namin sinabi sa parents namin dahil pareho naman kaming nasa legal age. Pero ngayon, may nanliligaw sa akin na mas type ko. Maari kayang mapawalang-bisa ang kasal ko sa aking bf? Palagay ko’y hindi ito problema sa aking bf dahil sa tingin ko’y nagsisisi rin siya sa aming ginawa.

Dear Lizzy,

Kung hindi fake ang kasal ninyo, binding yan at nasa public records na pati sa National Census and Statistics. Kung totoo ang sinasabi mong nasa legal age kayo pareho at hindi pineke ang inyong edad, for all intents and purposes, kasal kayo sa batas. Pero dahil sa attitude n’yo ngayon na tila kapwa kayo nagsisisi sa ginawang pagpapakasal, palagay ko’y isang ground ‘yan para maipa-annul ang kasal. Ang pinakamainam ay kumonsulta kayo sa abogado nang malaman ang tamang hakbang na gagawin. Kaya maging lesson sa’yo ang pangaral ni Mayor dahil ang pagpapakasal ay hindi overnight decision lang. Magandang makilala muna ninyong mabuti ang isa’t isa, matiyak na kayo’y compatible at higit sa lahat, nagmamahalan kayo ng tunay.

 

DEAR LIZZY

DEAR VANEZZA

KAYA

KAYO

LIZZY

MAARI

MAGANDANG

NATIONAL CENSUS AND STATISTICS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with