^

Para Malibang

Sumpong ni ate(1)

Ms. Jewel - Pang-masa

Lahat ng mga misis ay may tinatawag na sumpong at kadalasan ay napapagbuntunan nila ayang kanilang mga mister. Pero, kung hindi naman ito nangyayari ng madalas, tiyak na kagaya lang din kayo ng mga ordinaryong mag-asawa na dumaraan minsan sa ilang bagay na hindii pagkakaunawaan.

Kung alam mo naman kung paano pakakalmahin si ate sa tuwing siya ay may sumpong madali ninyong mareresolba ang anumang isyu sa pagitan ninyong dalawa.

Narito ang ilang paraan: Hanapin ang kanyang “Melting point” – Lahat ng mga babae ay mayroong tinatawag na “melting

point”. Ang ibig sabihin, alamin mo ang mga bagay na kanyang ikinagagalit. Kabisaduhin ito gaya ng “Lord’s prayer’, para maiwasan mo ang mga bagay na ito.

At kung sakali naman na may namintis ka, agad na humingi ng paumanhin sa kanya para agad na mapawi ang kanyang galit sa’yo.

Iwasan ang mangatuwiran – Sa kalagitnaan ng kanyang galit, tiyak na nanaisin niyang marinig ang iyong mga dahilan, pero sa totoo lang ayaw niya ito. Kaya dapat na i-focus mo lang ang iyong atensiyon sa kanyang sinasabi. Dahil kung magsasalita ka ng magsasalita sa kanya,

tiyak na may masasabi kang mali na magdidiin sa’yo at magreresulta ng mas ikagagalit niya.

Subukan mo siyang ayunan o di kaya ay sumuko sa kanya – Lahat naman ng tao mapa-babae

man o lalaki ay ayaw magmukhang “abnormal” sa kanyang mga sinasabi. Kaya ang pinakamabuting

gawin para maipakita ang iyong pagsang-ayon sa kanya ay sa pamamagitan ng iyong kilos.

Halimbawa, tumango ka lang sa kanyang mga sinasabi o di kaya ay magbuntunghininga. Ang mga

“body language” na ito ay pagpapakita na ikaw ay pumapayag sa kanyang sinasabi. (Itutuloy)

DAHIL

HALIMBAWA

HANAPIN

ITUTULOY

IWASAN

KABISADUHIN

KANYANG

KAYA

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with