Mga bata ang kaaway
Panaginip: I’m 40 years old. Sa panaginip ay hinahabol ako ng mga batang kaaway ko. Binato nila ako hanggang sa tamaan ang aking ulo na agad nagdugo. Ang mga batang humabol sa akin ay mga 5 to 7 years old.---Secret no more
Interpretation: Ang aktong pagbato sa iyo ay nagpapahayag na inaakusahan ka ng ibang tao dahil sa isang isyu. Ang pagdugo ng iyong ulo ay nagpapakita na nasasaktan ka sa mga ibinibintang sa iyo at may epekto ito sa iyong self-esteem. Ang mga batang nambato ay mga accusers mo na hindi naman ganoon ka-powerful para sirain ang buo mong pagkatao.
- Latest